OPERASYON NG GOJEK PINAAAPRUBAHAN NA SA LTFRB

(NI NOEL ABUEL)

UMAPELA ang isang senador sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na agad na aprubahan ang pagpasok ng kumpanyang Gojek para mawala ang monopolasyon ng kumpanyang Grab.

Ito ang sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian, chair ng Senate Comittee on Trade and Industry, kung saan hindi na aniya dapat pang magtagal ang LTFRB sa pag-aaral sa akreditasyon ng dayuhang kumpanya.

“Ang Gojek, dapat i-approve na kaagad ‘yan para meron tayong choice,” aniya pa.

Ngunit may nakikitang balakid umano ang LTFRB dahil sa ang business partner ng Indonesian company ay ang Ayala.

“Malaki ‘yan, dahil Indonesian ‘yan at nabasa ko ang partner nila ay Ayala kaya malaking korporasyon ito pero importante may kompetisyon para hindi naman tayo abusuhin ng Grab,” giit nito.

Hinikayat ni Gatchalian ang iba pang negosyante na pumasok sa operasyon ng transport ride hailing system.

“Hinikayat natin ‘yung iba na pumasok dito dahil wala tayong choice, gaya ngayong Pasko at maraming pauwi galing Christmas party, wala silang choice kundi Grab lang ang pwede sakyan,” dagdag ni Gatchalian.

168

Related posts

Leave a Comment