OPISYAL NA PAHAYAG NG AKO-OFW PARTY-LIST UKOL SA PAGBITAY SA KABABAYAN NATING OFW SA SAUDI ARABIA

NAPAKABIGAT po sa pusong makumpirma ang pagbitay sa kababayan nating overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia matapos itong mahatulan ng death penalty dahil sa kasong pagpatay.

Nakikiramay po ang AKO-OFW Partylist sa pamilya at mga mahal sa buhay ng yumaong OFW na siguradong buong-pusong nagdadalamhati sa trahedyang nangyari. Bagaman nirerespeto po natin ang sagradong batas at hukuman ng Saudi Arabia, hindi pa rin maikakaila ng bawat Pilipino na lalong pinaigting ng isyung ito ang kahinaan ng mga OFW na kumakaharap ng mga kaso sa ibang bansa—ang pagkakaroon ng wastong legal representation at kabuuang suporta sa proseso.

Bilang tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga kababayan nating OFW, ipinapanawagan ng AKO-OFW Partylist ang pagpapalakas sa kakayahang pandiplomatiko ng bansa, gayundin ang pagpapatibay ng wastong legal representation sa ating mga kababayan nang sa gayon ay maiwasan nang muli ang ganitong nakapanlulumong balita.

38

Related posts

Leave a Comment