OSPITAL NG TONDO, BUKAS NA SA PUBLIKO

MULING binuksan sa publiko ang Ospital ng Tondo sa Jose Abad Santos Avenue, Maynila matapos itong pansamantalang pinadlak mula Mayo 11 hanggang Mayo 24.

Ang anunsiyo mula kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nagsabing ngayong araw ng Lunes ay maaari na muling mag-operate ang OSTON.

Dahil dito, muli nang tatanggap ng pasyente ang ospital.

Isinara ang OSTON dahil sa isinagawang terminal cleaning, disinfection, pest control at pagsasaayos ng pasilidad para sa COVID-19-related operations.

Sinabi ni Director Myrna Paloma, ang pagsasara ng pagamutan ay para mailagay sa quarantine at makarekober ang mga frontliner na nahawa ng COVID-19.

Labing tatlong health workers ng ospital ang nagpositibo sa COVID-19 kaya kinailangan nilang i-quarantine. Tatlo na sa mga ito ang nakarekober habang ang iba ay patuloy na ginagamot. RENE CRISOSTOMO

137

Related posts

Leave a Comment