P176-K SHABU NASABAT SA KAMBAL NA BUY-BUST

AABOT sa P176,000 halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation sa Malate, Manila, nitong Martes ng madaling araw.

Unang inilatag ang buy-bust operation sa Quirino Avenue malapit sa panulukan ng Taft Avenue sa Malate. Isang alyas “Ruth” ang target ng operasyon na kinilalang si Melanie Cavia y Divina, dalaga, ng #2200 Dandan St., Pasay City.

Binitbit din ng mga pulis ang umano’y mga kasabwat nito na sina Ronnel Divina y Dela Cruz, 32, at Sharon Navarro y Melendres, 36-anyos.

Base sa ulat na isinumitie ni P/Cpt. Gil John Lobaton kay P/Lt. Col. Michael Garcia, station commander ng Manila  Police District-Malate Police Station 9, bandang 12:30 ng madaling araw nang

ikasa ang operasyon sa nabanggit na lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang sachet ng umano’y shabu na tinatayang 16 gramo ang timbang at P108,000 ang street value.

Samantala, ang sumunod na operasyon ay ikinasa ng mga tauhan ni P/Lt. Col. Garcia sa Adriatico St. sa Malate bandang alas-2:00 ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na nadakip na sinaa John De Pedro y Bartolo, 54; Tina Florendo y Bernardo, 41; Annalyn Delgado y Castro, 35, at Rose Salazar y Adonis, 30-anyos.

Nabatid sa report ni P/Capt. Lobaton, matapos silan gmagsagawa ng buy-bust operation sa Quirino Avenue, isinunod nila agad ang operasyon sa Adriatico St. kung saan target ang suspek na si Bartolo

Nagresulta ang operasyon sa pagkakadakip sa mga suspek na nakumpiskahan ng walong pirasong sachet ng umano’y shabu na tinatayang 10 gramo at P68,000 ang street value. (RENE CRISOSTOMO)

238

Related posts

Leave a Comment