P2.2-B SHABU CHEMICALS, P3.7-M SHABU KUMPISKADO SA POLICE OPS

(Ni NELSON S. BADILLA)

Nauwi sa pagkakumpiska ng shabu ingredients na makagagawa ng P2.2 bilyong halaga ng shabu, ng P3.7 milyong halaga ng shabu, at pagkakadakip sa dalawang banyaga ang tatlong magkakasunod na operasyon ng pulisya hinggil sa iligal na droga nitong Miyerkules, ayon sa hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sabi ni Director Guillermo Lorenzo Eleazar sa media na ang unang insidente ay isinagawa ng intelligence unit ng Northern Police District (NPD) ang isang buy-bust operation bandang 5:30 a.m. sa Bagong Barrio, Caloocan City na nagresulta sa pagkahuli ng isang Marvin Yu.

Nakumpiska ang mga tauhan ni Chief Supt. Rolando Anduyan, hepe ng NPD, ng 325 kilo ng shabu na tinatayang P3.7 milyon ang street value.

Matapos nito, ikinasa uli ang ikalawang buy-bust operation batay sa impor-masyong ibinigay ni Yu sa San Juan City.

Sa ganap na 6:30 p.m., nasakote ang isang South Korean chemist na nakilalang si Kim Jong Hee.

Ani Eleazar, pagkatapos nito ay nakumpiska naman ng mga pulis bandang 9:30 p.m. ang iba’t-ibang napakaraming sangkap sa loob ng isang sasakyan na naka-parada sa Ortigas Business Center.

Ang mga kemikal na nakumpiska ay posibleng makagawa ng tinatayang P2.2 bilyong halaga ng shabu, tugon ni Eleazar.

Ang nasabing operasyon ay bahagi ng patuloy na pagsugpo ng pulisya laban sa iligal na droga sa bansa.

197

Related posts

Leave a Comment