P2.8-M PARTY DRUGS NAKUHA SA MAKATI 

partydrugs

(NI LILY REYES)

ARESTADO  ang apat katao makaraang mahulihan ng party drugs , liquid  extract, cocaine at kush sa  ikinasang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Aagency (PDEA)  sa isang high end  condo Biyernes ng gabi sa Makati City.

Ang mga naaresto ay kinilalang ang kambal na  Ruth Anne Compra Mabalay at Sarah  Mae Compra,  Tetsuya Tristan Reyes at  Ryan Christopher  De Vera Somera.

Sa imbestigaston ay  napag-alaman na  bandang alas 11:03  nang magkasa ng buy bust operation ang  Special Enforcement  Service na  pinamumunuan  ni Levi  S. Ortiz Team Alpha  ng  PDEA SES SA  18g a.  Venue Suites  sa Salamanca St.,  Poblacion, Makati City.

Nasamsam sa nasabing  buy bust operation ang  73 piraso na  sachet na naglalaman  ng  380 tabletas  ng hinihinalang ecstacy  na aabot sa halagang P1,140,000.00; 1 sealed plastic sachet  na naglalaman  ng 5 kapsula na nagkakahalaga ng P15,000.00; 30 piraso ng self  sealed plastic sachets  sa  iba’t-ibang  sizes na tumitimbang ng 200 gramo ng  powder substance  ng hinihinalang cocaine na tinatayang nagkakahalaga ng P1,247.000.00; apat na piraso ng  self sealed  transparent plastic sachet na naglalaman ng  35 gramo ng  hinihinalang kush na nagkakahalaga ng P52,500.00; 23 assorted bottles na naglalaman ng 1 litrong  liquid  ecstacy;  1 self  sealed  Transparent  sachet  na  may lamang  27 piraso ng  LSD na  nagkakahalaga ng  P45,000.00; 1 open plastic  bottle na  may laman na 27 kapsula  ng dangerous drugs, 1 bote  na may laman na 20 tablets  ng  Clonazepam; limang blister packs na may lamang  49 na tablet ng  Mogadon ( Mitrazepam),  drug paraphernalias at ang buy bust money.

Ayon kay PDEA Chief, Dir., General Aaron Aquino,   aabot sa P2.839,900.00 ang kabuuang halaga ang nakumpiska  mula sa mga naarestong suspek.

Ang mga droga ay galing pa umanong Netherlands at Amsterdam at pinupuslit sa Pilipinas gamit ang online transaction.

Isasampa ang mga kasong  Violation of  Sec 5 (selling of dangerous drugs) 11, 12 at 15, Article 11 of RA 9165  laban sa mga inaresto.

6

Related posts

Leave a Comment