P3.4-M SHABU NASABAT, 2 SUSPEK ARESTADO

ARESTADO ang dalawang hinihinalang drug pusher sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Masambong Police Station 2 at Police Station 3 ng Manila Police District (MPD) sa Quiapo, Maynila noong Martes.

Kinilala ni QCPD Director, P/BGen. Ronnie Montejo, ang mga arestado na sina Casmir Caris; 36-anyos, at Montiyah Madaya, 38-anyos, pawang mga vendor at residente ng Brgy. 384, Zone 39, Quiapo, Maynila.

Ayon sa report, nakatanggap ng impormasyon mula sa confidential informant ang mga awtoridad kaugnay sa illegal drugs activities ng mga suspek.

Bunsod nito, agad nagkasa ng buy-bust operation dakong alas-5:15 ng hapon noong Martes ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng PS-2 kasama ng PS-3 ng MPD, sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, sa #821 Norzagaray St., Brgy. 384, Zone 39, Quiapo, Manila.

Bumili ang isang undercover cop P26,000 halaga ng shabu mula sa mga suspek na nagresulta ng kanilang pagkakaaresto.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang halos kalahating kilo ng shabu na tinatayang P3,400,000 ang halaga. (RENE CRISOSTOMO)

111

Related posts

Leave a Comment