P35 DAGDAG MINIMUM WAGE SA NCR HINDI SAPAT SA MANGGAGAWA

BAGAMAN isang positibong hakbang ang dagdag P35 sa minimum wage sa Metro Manila ay hindi ito sasapat para sa araw-araw na gastusin ng mga manggagawa.

Ayon kay Atty. Filemon Ray L. Javier, tagapagsalita ng Trabaho Party-list, isinaalang-alang din ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa pagpapasya sa wage hike ang kakayahan ng mga employer.

Sinabi ni Javier na sa mga susunod na dagdag pasahod, dapat ay sapat na para sa mga nagtatrabaho, at “sustainable” o mapananatili at masusuportahan ng mga employer at nagnenegosyo.

Mas mainam din aniya kung magkakaroon ng regular at napapanahong pagsusuri at pagdagdag sa minimum wage rates. Pero maliban sa wage increase, sinabi ng Trabaho Party-list na marami pang hakbang na kailangang gawin ng gobyerno para sa kapakanan ng mga manggagawa. Kamakailan, sinabi ng Trabaho Party-list na hindi dapat nakadepende lamang sa dagdag sahod para matugunan ang mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mga pamilyang Pilipino.

Kinakailangan na madagdagan at mapabuti pa ang mga non-wage benefits, kagaya ng health insurance, pagbibigay ng regular na training at job upskilling, at pagpapalawig ng paid leaves at flexible working arrangements para sa mga manggagawang higit na nangangailangan nito.

132

Related posts

Leave a Comment