P411-M HALAGA NG TULONG SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG KRISTINE IKINASA NI SPEAKER ROMUALDEZ

ALINSUNOD sa atas ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Miyerkoles ang paghahanda para sa malawakang relief operations ng Kamara de Representantes para sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Kristine.

Bahagi nito ang mabilis na paglalabas ng nasa P390 milyong tulong pinansyal na ipamamahagi sa may 22 distrito sa Bicol Region, Eastern Visayas, MIMAROPA at apat na party-list representatives na apektado ng bagyo.

“Malinaw po ang direktiba ni Pangulong Marcos: walang pamilyang Pilipino ang maiiwan sa pagtulong ng pamahalaan sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine. Ito ang pangako natin sa sambayanang Pilipino, lalo na doon sa mga matindi ang naranasan sa kalamidad na ito,” sabi ni Speaker Romualdez.

“We are making sure the government’s assistance reaches our affected countrymen as quickly as possible,” dagdag ng lider ng Kamara na may 300 miyembro.

Ayon pa kay House Deputy Secretary General Sofonias Gabonada, naghahanda na rin ang Office of the Speaker at Tingog Party-list ng 2,500 relief packs kada kinatawan o katumbas ng kabuuang 62,500 na relief goods na nagkakahalaga ng higit P21 million na ipamamahagi sa mga pamilyang nasalanta ng Bagyong Kristine.

Mayroon din aniyang hiwalay na relief mission na ginagawa si Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, chairman ng House Committee on Appropriations.

Paliwanag ni Gabonada, pagkakalooban ang bawat distrito na apektado ng bagyo ng P15 milyon tulong pinansyal mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng pamumuno ni Sec. Rex Gatchalian.

Inaasahan na maipamahagi ito sa mga benepisyaryo sa mga susunod na araw. Ang Tingog party-list naman ang nagsisilbing on-the-ground support sa mga nasalantang lugar.

Tinukoy ni Speaker Romualdez na karamihan sa mga distritong aabutan ng tulong ay ang mga pinaka tinamaan ng bagyo partikular sa imprastraktura at kabuhayan.

“We know how difficult the situation is for our fellow Filipinos, and we are here to help,” ani Speaker Romualdez.

“We will ensure that these funds go directly to the recovery and rebuilding efforts in these communities.”

Kinumpirma rin ni Gabonada na maipagkakaloob ang tulong pinansyal sa 22 distrito at apat na party-list representatives sa lalong madaling panahon para na rin sa kagyat na pangangailangan ng mga biktima.

Kabilang sa mga makakatanggap ng tulong sa Bicol region ang distrito nina Rep. Eulogio Rodriguez, Rep. Josie Tallado, Rep. Rosemarie Panotes, Rep. Tonton Kho, Rep. Olga Kho, Rep. Ricardo Kho, Rep. Wowo Fortes, Rep. Dette Escudero, Rep. Fernando Cabredo, Rep. Joey Salceda, Rep. Edcel Lagman, Rep. Migz Villafuerte, Rep. Lray Villafuerte, Rep. Arnie Fuentebella, Rep. Hori Horibata, at Rep. Gabriel Bordado.

Sa Eastern Visayas, paaabutan ng ayuda ang mga distrito nina Rep. Paul Daza, Rep. Harris Ongchuan, Rep. Reynolds Tan, and Rep. Stephen James Tan. Mayroon ding tulong para sa distrito ni Rep. Cong. Reynante Arrogancia mula Calabarzon habang sa MIMAROPA naman ay ang distrito ni Rep. Lord Allan Velasco. Kabilang naman sa relief efforts ang party-list groups na kinakatawan nina Rep. Raul Angelo “Jil” Bongalon, Rep. Brian Yamsuan, Rep. Presley De Jesus, at Rep. Felimon Espares.

“This is a coordinated effort between the national government and local representatives, and we will ensure that aid is delivered promptly as instructed by President Marcos,” ayon sa House Speaker.

Hinikayat din niya ang pribadong sektor at non-government organizations na umagapay sa mga hakbangin ng pamahalaan. “This is the time for solidarity and cooperation. We welcome any additional support that can help our people get back on their feet,” dagdag niya.

Ang relief operations na ito ay bahagi lamang ng malawakang estratehiya ng administrasyon Marcos para tugunan ang kagyat at pangmatagalang pangangailangan ng mga tinamaan ng kalamidad.

“Rest assured, we will not stop at relief operations. We will push for sustainable recovery programs that will help these communities rebuild their lives,” pagtatapos ni Speaker Romualdez

29

Related posts

Leave a Comment