P6.8-M SHABU NASAMSAM SA ANTIPOLO

NASAMSAM ng pinagsanib na pwersa ng Rizal PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang P6.8 million halaga ng shabu sa buy-bust operation sa lungsod ng Antipolo kagabi.

Nadakip sa operasyon ang suspek na kinilala ni PDEA Dir. Gen. Wilkins Villanueva na si John Lennon Tadena, alyas “Lin”, 23-anyos, residente ng Zontaville, San Isidro.

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang isang kilo ng shabu na may market value na P6.8 million at tatlo pang sachet ng pinatuyong marijuana.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng suspek. KNOTS ALFORTE

145

Related posts

Leave a Comment