P7.8-M MARIJUANA NASABAT SA KALINGA

0

TINATAYANG nasa P7.8-milyong halaga ng mga bloke ng marijuana ang nasabat ng mga awtoridad sa tulong ng impormasyon mula sa concerned informant na may ilegal na droga ang nakatakdang ibiyahe mula Kalinga patungong Cagayan.

Bunsod ng tip na nakalap, naglagay ng checkpoint ang iba’t ibang yunit ng pulisya sa Rizal, Kalinga base sa natanggap na impormasyon mula sa isang concerned citizen dahil sa umano’y planong pagbiyahe sa marijuana bricks.

Ipinabatid din ng tipster sa mga pulis na may tatlong sako ng marijuana ang nakatago sa kongkretong kanal sa Sitio Anonang, Barangay Road, Liwan West.

Sa kanilang pagbeberipika, natuklasan ng mga alagad ng batas ang mga abandonadong sako na naglalaman ng 53 piraso ng mga pinatuyong dahon ng marijuana at mga tangkay na ginawang bloke gayundin ang nasa 24 piraso ng mga dahon ng marijuana at tangkay na nakahugis tubo na tumitimbang ng 65.3 kilo at nagkakahalaga ng P7,836,000.

Dahil dito, inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang mga yunit ng pulisya na magsagawa ng checkpoint partikular na sa Cordillera region para maharang ang pagbibiyahe ng mga ilegal na droga at masakote ang mga drug courier.

Sinabi pa ni P/Gen Eleazar, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon hinggil dito, “Inaalam natin kung saan galing at kung kanino dadalhin ang marijuana.”

Dagdag pa niya, “Hinihikayat natin ang publiko na patuloy na makipagtulungan sa pulisya para tuluyang masawata ang ilegal na droga,”. (JESSE KABEL)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment