‘Pag ‘di naresolba P5.1-B backwages ng OFWs TOTAL DEPLOYMENT BAN SA SAUDI ARABIA – DOLE

NAGBANTA si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na magpapatupad siya ng total ban sa labor deployment sa Saudi Arabia dahil sa patuloy na pagka-delay ng pag-aayos sa mahigit sa P5.1 bilyong bayarin sa sweldo ng mahigit sa 11,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa nasabing bansa.

“If this problem will not be settled, I’m seriously considering recommending to President [Duterte] a total deployment ban of our overseas workers to the Kingdom of Saudi Arabia,” pahayag ni Bello sa isinagawang balitaan noong nakaraang Biyernes.

 “I have all the moral and legal reasons to recommend a total deployment [ban] if [Saudi officials] cannot address the needs of our workers,” babala pa niya.

Sinabi pa niya, ang korte sa Saudi Arabia ay pumabor sa Filipino workers, na ang kanilang employers ay hindi nakabayad ng kanilang mga sweldo sa loob ng dalawang taon.

 Ayon pa kay Bello, marami sa OFWs ang namimighati sa paghihintay na kanila nang ikinamatay, na mabayaran ang kanilang mga sweldo mula sa kanilang Saudi employers.

 “They have to pay first. They have won the case already in court. There’s already an award and the decision has become final and executory. I’m wondering why the decision has not been [implemented],” dagdag pa niya.

Sinabi pa ng DOLE secretary, nakahanda silang tugunan ang mga alalahanin ng Saudi’s Ministry of Labor kaugnay sa recruitment process ng OFWs, subalit kailangan muna nilang resolbahin ang usapin sa sweldo ng mga manggagawa.

Sa katunayan aniya, ang dalawang ahensiya ng gobyerno ay bumuo ng kani-kanilang technical working groups para maresolba ang labor-related issues ng magkabilang panig.

“But they have to pay first what’s due to our OFWs,” banggit pa niya.

Matatandaan, noong nakaraang buwan, si Bello ay nag-isyu ng isang “very urgent” memorandum na nagsususpinde sa deployment ng household workers sa Saudi Arabia, matapos na isang retired Saudi military general, na naging blacklisted bilang employer, ang muling naghahanap ng migrant Filipino workers.

“This temporary deployment ban may ripen into a total deployment [ban] if the claims of our OFWs are not finally settled. That will be the problem,” pahabol pa niya. (JOEL O. AMONGO)

2

Related posts

Leave a Comment