PAGBANGGA NG TSINA SA PH VESSEL KINONDENA NG US

KINONDENA ng US National Security Advisor ang “sinadyang pagbangga’ ng People’s Republic of China sa dalawang Philippine Coast Guard vessels na nago-operate ng naaayon sa batas malapit sa Sabina Shoal sa exclusive economic zone ng Pilipinas nitong Agosto 19.

Sa isang kalatas, sinabi ni NSA Jake Sullivan na kinausap na niya si Philippine National Security Adviser Eduardo Año para talakayin ang kamakailan lamang na anunsyo na $500 million na U.S. military aid, na makatutulong para gawing modernisado ang Philippine Armed Forces at Coast Guard.

“Mr. Sullivan reiterated the ironclad U.S. commitment to the U.S.-Philippines Mutual Defense Treaty, which extends to armed attacks on Philippine armed forces, public vessels, or aircraft—to include those of its Coast Guard—anywhere in the South China Sea,” ayon sa kalatas ng White House.

Nauna rito, inuulat ng National Task Force for the West Philippine Sea na ang Philippine Coast Guard patrol ships BRP Bagacay at BRP Cape Engaño ay muling nakaranas ng agresibong aksyon mula sa Chinese Coast Guard vessels habang patungo sa Patag and Lawak Islands sa West Philippine Sea.

Nagdulot ng pagkasira sa dalawang sasakyan ng Pilipinas ang aksyon ng China.

Sinabi ni Año na pinag-usapan din nila ni Sullivan ang paggamit ng flares ng People’s Liberation Army Air Force plane sa flight path ng Philippine Air Force aircraft na nagsasagawa ng routine maritime patrol sa Bajo de Masinloc.

Kaugnay nito, nakapagtala na ang Pilipinas ng 173 diplomatic protests sa Beijing sa nakalipas na dalawang taon at ilang daang iba pa bago pa ito. (CHRISTIAN DALE)

55

Related posts

Leave a Comment