PAGCOR INIREKLAMO NG 900 KAWANI NG GAMBLING HUB

KAMOT-ULO muli ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa panibagong kontrobersya na ipinupukol sa kanila matapos magsampa ng reklamo ang higit 900 empleyado ng gambling hub sa Malate, Maynila.

Base sa isinumiteng petition for certiorari and prohibition ng mga kawani ng PAGCOR, nagpasaklolo sila sa Court of Appeals (CA) na ipawalang-bisa ang pinasok na kasunduan ng PAGCOR management at MSP Incorporated, na pag-aari ng isang dayuhan.

Naglabas anila ng memorandum order ang governance commission na pinapayagan ang PAGCOR na ilipat ang operasyon ng casino sa MSP Incorporated.

Bagay na naapektuhan ang kanilang kabuhayan dahil inilagay umano sila sa floating status mula noong May, 2024.

Private company na anila ang may hawak sa operasyon ng casino sa Malate, Maynila na pinalagan sa pamamagitan ng ilang beses na pagsulat kay PAGCOR Chairman Alejandro Tengco pero patuloy lang itong dedma.

Nauna rito, naungkat din sa isyu ng illegal POGO hub ang PAGCOR kung saan nasuspinde si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Nagsagawa na rin ng pagdinig ang Kamara at Senado tungkol sa isyu ngunit patuloy na iniisnab ng PAGCOR ang suhestiyon nina Senator Raffy Tulfo at Cong. Rufus Rodriguez na ibalik sa trabaho ang mga natanggal na empleyado.

Dahilan para mapilitan na silang magsampa ng petisyon sa CA.

Kaugnay nito, tumanggi naman ang pamunuan ng PAGCOR na magbigay ng anomang pahayag o komentaryo hinggil sa naturang reklamo. (JULIET PACOT)

36

Related posts

Leave a Comment