NAIS ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo at mga kasamahan na ipagbawal na sa mga pampublikong kolehiyo at unibersidad ang opsyon sa pagpapadala ng mga estudyante sa ibang bansa o malalayong lugar para sa internship o on-the-job (OJB) training program ng kanilang mga kurso bilang requirement para maka-graduate.
Isang panukalang batas ang ihahain nina Tulfo, Cong. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo ng ACT-CIS, Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd District Cong. Ralph Tulfo para maiwasan ang malaking gastusin ng magulang ng mga estudyante lalo na iyong galing sa mahihirap na pamilya.
Ayon kay Cong. Tulfo, “marami na akong naririnig na mga magulang nagsasanla ng kanilang mga ari-arian mapadala lang ang anak nila sa abroad o malayong lugar para ma-fulfill daw yung internship o OJT requirement ng course”.
“Yung iba nangungutang kung saan-saan para lang masunod ang sinasabing requirement ng course,” ayon pa kay Tulfo na deputy majority leader din ng Kongreso.
“Voluntary naman ang pagpunta sa abroad o malayong lugar para sa internship pero kadalasan ang mga bata ang nagsasabi sa magulang lalo na yung mga nasa probinsya na para bang requirement na mag-OJT sa ibang lugar,” aniya.
Pero paglilinaw ng mambabatas, dapat alisin na ng mga eskwelahan ang opsyon na mag-OJT ang bata sa abroad o malalayong lugar lalo pa’t kung ito ay isang state college o university”.
“Kaya nga diyan sa government school nag-aral yung bata para makatipid tapos mag-o-offer ang school ng OJT sa abroad o malayong lugar, it defeats the purpose di ba?” ayon sa mambabatas.
“Nasa estudyante yun at hindi sa school o kung saan sya nag-intern makikita ang galing ng bata,” dagdag pa ni Tulfo.
55