HINIKAYAT ni dating Miss Universe-Philippines Rabiya Mateo ang ilang guro, magulang, at grupo ng kababaihan na huwag basta manahimik kung sila ay may nalalaman o sila mismo ang biktima ng pang-aabuso laban sa kababaihan o kabataan.
“Labanan po natin ang mga pang-aabuso sa mga kababaihan at ireklamo ito sa mga kinauukulan,” ani Miss Mateo, sa isang interview matapos ang event sa Cembo Elementary School sa Taguig noong Sabado.
Ayon sa dating beauty queen, “kailangang tuldukan ang mga ganitong pang-abuso sa kababaihan at mga kabataan”.
Tinukoy ni Mateo, talent ng GMA network, na maraming uri ng pang-aabuso tulad ng physical abuse, emotional, at sexual abuse, at abandonment.
“May karapatan din po kayo mga misis na tumanggi makipag-sex kay mister kung pagod kayo o ayaw lang ninyo,” paalala pa niya.
Base sa estatistika, laganap pa rin ang spousal at child abuse sa bansa dahil karamihan sa mga biktima ay hindi nagrereklamo.
“Panahon na po na we stand up and speak against abuses versus women and our children,” dagdag pa ni Mateo.
Hinikayat din niya ang Kongreso na bilisan ang pagpasa ng batas laban sa pag-abandona ng mga bastardong ama sa kanilang mga anak.
28