PASOK SA ILANG KORTE SINUSPINDE

NAGDEKLARA ng suspension ang Korte Suprema sa ilang korte sa bansa dulot ng Bagyong Marce.

Sinuspinde ang operasyon para makauwi nang maaga ang mga tauhan at empleyado ng korte na posibleng maipit o ma- stranded sa daan.

Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, ilan sa mga nagsuspinde ng operasyon at wala nang pasok ay ang Aparri, Cagayan Regional Trial Court o RTC at lahat ng first level courts na nasa hurisdiksyon nila Sanchez Mira, Cagayan RTC

First and second Municipal Circuit Trial Courts o MCTC ng Sanchez, Mira at Claveria sa Cagayan.

Lahat ng korte na nasa hurisdiksyon ng Municipal Trial Courts in Cities o MTCC Tuguegarao City.

Pinapayuhan ng Supreme Court ang publiko at mga may transaksyon o schedule sa mga korte na bisitahin ang opisyal na social media accounts ng Supreme Court para sa iba pang anunsyo. (JULIET PACOT)

5

Related posts

Leave a Comment