HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kabataang Pilipino na gawing inspirasyon at halimbawa ang buhay ni Apolinario Mabini upang magsikap sa buhay.
Ginawa ng Pangulo ang panawagan sa pagdiriwang ng ika-160 kaarawan ni Apolinario Mabini sa Lungsod ng Tanauan, Batangas.
“Tinatawagan ko ang mga kabataang Pilipino ngayon na gawing inspirasyon at halimbawa ang buhay ni Apolinario Mabini upang magpunyagi sa buhay,” ayon sa Pangulo.
Hinikayat din ni Pangulong Marcos ang mga kabataang Pinoy na unawain ang mga “pilosopiyang pampulitika at panlipunan” ni Mabini upang magsilbing inspirasyon ang mga ito sa pamamagitan ng pakikiisa sa pagbuo ng progresibong Bagong Pilipinas.
“Si Mabini ay [nagpapatunay] sa kaisipan na ang bawat isa sa atin ay may kakayahang gumawa ng pagbabago at tumahak sa sariling landas tungo sa tagumpay, sa kabila ng iniindang kalagayan o anomang pagsubok,” dagdag pa ng Pangulo.
Sa “Bagong Pilipinas”, sinabi ng Pangulo na bawat isa ay mayroong oportunidad na maging produktibong miyembro ng komunidad.
176