PEOPLE’S AGENDA BITBIT NG FPJ PANDAY BAYANIHAN PARTY-LIST

MAG-INANG Sen. Grace Poe at Brian Poe, FPJ Panday Bayanihan 1st nominee mainit na sinalubong ng tagasuporta

KAPASYAHAN ng nakararami mula sa bawat batayang sektor ng lipunan ang kakalapin ng FPJ Panday Bayanihan party-list para maisulong ang people’s agenda at maidulog ang makamasang batas sa Kongreso na pangungunahan ng naturang sectoral party sa 2025 midterm election.

Ayon kay Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Party-list, “hindi kami ang magdidikta kung ano ang kailangan ng tao. Kailangan malaman namin kung ano ang sadyang naisin ng bawat sektor para sa pagpapatuloy ng legasiya ng aking lolo at adbokasiya ng aking ina na si Senator Grace Poe na hinahangad namin na ilaban at maipagkaloob sa nakararami”.

Naisagawa na kamakailan sa Manila at Quezon City ang sectoral forum ng naturang party-list at patuloy nila itong gagawin sa bawat bayan lalo sa pamayanan ng mga indigenous people, patuloy na kinakaharap ang historical discrimination, salat sa mga serbisyong panlipunan at economic opportunities.

Si Brian ay panganay na anak ni Sen. Grace Poe at apo ng yumaong batikang action star na si Fernando Poe, Jr., tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino.

Masugid na sinuportahan ng mag-inang Lamanzares ang kandidatura sa pagka-Pangulo ni FPJ noong 2004.

Kumintal sa puso at isipan ng mag-ina ang adhikain ni FPJ. Sinasambit lagi sa pangangampanya ni Da King, “Ang serbisyo ko sa inyo ay walang katapusan.”

Kaya noong 2013 ay itinatag ni Brian ang FPJ Panday Bayanihan at siya rin ang nanguna sa pamimigay ng hindi mabilang na tulong sa mga nangangailangan lalo sa mga kapus-palad. Food, progress, at justice ang pangunahing adbokasiya ng party-list na ipinaglalaban ni Da King noon pa man.

Nang magsumite ng certificate of election sa Comelec si Brian, kasama sina Mark Patton, second nominee, at Hiyas Dolor, third nominee ng FPJ Panday Bayanihan party-list ay sinamahan sila ni Sen. Poe kasabay ng pagdagsa ng mga tagasuporta at mga dating miyembro ng Filipinos for Peace, Justice and Prosperity Movement (FPJPM) at iba pang tagasuporta ni FPJ.

82

Related posts

Leave a Comment