PETISYON NI BANTAG SUPALPAL SA CA

SINUPALPAL ng Court of Appeals (CA) ang petition for certiorari na inihain ni dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag para ideklarang inosente siya sa kasong pagpatay kay broadcast-journalist Percival ‘Percy Lapid’ Mabasa at iba pa noong 2022.

Base sa ipinalabas na resolution ng CA 2nd Division na nilagdaan ni Associate Justice Ronald Merlin, tahasan nitong ibinasura ang apela ng dating opisyal sa katwirang dapat munang ihain ang petisyon o apela sa tanggapan ng general prosecutor para sa pagsusuri bago ang pag-endorso sa Office of the Solicitor General (OSG).

Sinasabing ang petisyon para sa certiorari ay humihingi ng pagsusuri ng isang desisyon mula sa mababang hukuman.

Magugunitang una nang tinanggihan ng Las Piñas City Regional Trial Court, Branch 254 ang motion to quash information ni Bantag para suspendihin ang pagpapatupad ng warrant of arrest laban sa kanya. (JULIET Q. PACOT)

49

Related posts

Leave a Comment