PHARMALLY DIRECTOR KULONG SA SENADO

0

TULUYAN nang naubusan ng pasensya ang mga miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee at ipinag-utos ang pagkulong kay Pharmally Pharmaceutical Corporation director Linconn Ong sa Senado.

Si Ong ay inaresto ng Office of the Senate Sgt At Arms at dinala sa Senate Building sa Pasay City.

“Mr. Chairman, Mr. Linconn Ong is with the OSAA already…. He is already on the way here to the Senate,” pagkumpira ni Senate President Vicente Sotto III sa gitna ng pagpapatuloy ng imbestigasyon sa sinasabing overpriced COVID-19 goods.

Una rito, sa gitna ng pagtatanong kay Ong, sinabi nito na kinukuha na siya ng OSAA.

“Mr. Chairman…nagpa-pack up po ako ng gamit ide-detain na po ako ng Senado,” diin ni Ong.

Una nang ipinaalala ni Sotto na epektibo pa rin ang arrest warrants laban kay Ong at iba pang Pharmally officials.

Ito ay nang magpatuloy ang pag-iwas ni Ong sa tanong ng mga senador hinggil sa transaksyon ng Pharmally sa Department of Budget and Management. (DANG SAMSON-GARCIA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment