PINALAWAK NA DEFENSE DEAL NG PHL, GERMANY TATAPUSIN

KAPWA committed ang Pilipinas at Germany na tapusin ang pinalawak na defense cooperation arrangement.

Nauna rito, nagpulong sina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at German Federal Minister of Defense Boris Pistorius sa Maynila noong Linggo, nataon naman sa 70th anniversary ng Philippines-Germany diplomatic relations.

“The top defense officials “expressed their unwavering commitment to the revitalization of Philippines-Germany defense relations,”ayon sa joint statement.

Ang Germany ay isa sa “oldest formal defense partners” ng Pilipinas sa pamamagitan ng 1974 Administrative Agreement na may kinalaman sa pagsasanay ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Germany.

Kapwa nag-commit sina Teodoro at Pistorius na tapusin ang pinalawak na Arrangement on Defense Cooperation, naglalayong palawigin ang saklaw ng kooperasyon o pagtutulungan sa iba’t ibang larangan.

“To this end, the Ministers [Teodoro and Pistorius] are committed to establish long-term relations between the armed forces and specifically to expand training cooperation and bilateral exchanges,” ayon pa rin sa kalatas.

“The Ministers, moreover, intend to explore opportunities to further expand the bilateral armaments cooperation and to engage in joint projects,” dagdag nito.

Tinalakay din ang ‘trends’ sa security environment at regional issues sa Indo-Pacific at Eastern Europe, kapua binigyang diin ng dalawang opisyal ang kahalagahan ng “advocating for principled and sustainable peace that is firmly anchored on international law.”

Nagpahayag naman ng kanilang commitment ang mga defense officials sa “freedom of navigation, overflight, and other peaceful uses of the seas consistent with the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), and reaffirmed that the 2016 Arbitral Award on the South China Sea is final and legally binding.”

Taong 2016, nagpasya ang Permanent Court of Arbitration na walang basehan ang iginigiit ng Tsina na historic rights sa resources sa South China Sea.

Pinagtibay naman ng desisyon ang ‘sovereign rights at jurisdiction’ ng Pilipinas kabilang na ang mga lugar na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ).

Labis namang ikinatuwa ng Pilipinas ang matibay na suporta ng Germany para sa international law.

Kapwa itinaguyod ng dalawang defense officials ang kapayapaan sa Ukraine at muling nanawagan ng patuloy na diplomatic efforts.

Gayundin, pinagtibay ng mga opisyal ang kahalagahan ng pagkakaisa at sentralidad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) bilang isang “uniquely inclusive vehicle that fosters strategic trust and mutual understanding.”

Matatandaang binisita ni Pangulong Marcos Jr. ang Germany noong nakaraang Marso at nakipagpulong kay German Chancellor Olaf Scholz kung saan kapwa nagkasundo ang mga ito na palawakin ang defense cooperation, partikular na ang cyber at maritime domains. (CHRISTIAN DALE)

76

Related posts

Leave a Comment