PINAS NANGUNA SA 41ST ASEAN SOCIAL SECURITY ASSOCIATION MEETINGS

(NAGPALIWANAG si Jose Arnulfo A. Veloso, president and general manager ng Government Services Insurance System kasama si Ahmad Zulqarnain Onn ng Malaysia Employees Provident Fund nang humarap sa isang pulong balitaan na ginanap sa Seda Manila Bay Hotel sa Parañaque City.

PINANGUNAHAN ng Pilipinas ang ika 41st ASEAN Social Security Association (ASSA) na ginanap sa isang hotel sa lungsod ng Parañaque, Lunes ng umaga.

Layunin ng naturang pagpupulong na palakasin ang social protection systems at palawakin ang coverage nito sa mga manggagawa.

Ang 41st ASEAN Social Security Association ay dinaluhan ng leaders at representatives mula sa mga social institution sa buong ASEAN members state.

Ang agenda sa naturang pagpupulong ay tumutok sa megatrends na kinahaharap ngayon ng industriya, pagpapalakas ng teknolohiya at pagpapatupad ng comprehensive approach sa social security sa buong ASEAN region.

Ipinunto nina GSIS President and General Manager at Vice Chairman ng ASSA Jose Arnulfo Veloso ang kahalagahan ng naturang pagpupulong para sa vital region para sa economic progress.

Sinabi ni Veloso na isang karangalan ang pag-host ng Pilipinas sa naturang okasyon kasama ang Social Security System at PhilSSA members.

Ang PhilSSA na kinabibilangan ng PCSO, GSIS, SSS, Philhealth, Pag-IBIG fund at Employees Compensation Commission. (DANNY BACOLOD)

45

Related posts

Leave a Comment