PINAY TRAFFICKING VICTIM PINIGIL SA NAIA

PINIGIL sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ng Bureau of Immigration, ang isang Filipina na biktima ng illegal recruitment scheme.

Ayon sa babaeng ‘di pinangalanan, ni-recruit siya ng isang babae na kanyang nakilala sa isang bar.

Una nitong sinabi na biyaheng Hong Kong siya para magbakasyon pero sa secondary inspection, nadiskubre na peke ang mga dokumento na kanyang isinumite na sa bandang huli ay inamin na ibinigay lamang sa kanya ang mga dokumento, gabi bago ang kanyang pag-alis at hindi na rin niya ito makontak.

Dagdag pa ng biktima, magtatrabaho siya bilang club freelancer na gagamitin ang Malaysia at Singapore bilang exit bago pumasok sa Hong Kong upang mag-renew ng kanyang visa.

Ang biktima ay dinala sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) upang imbestigahan.

(JOCELYN DOMENDEN)

135

Related posts

Leave a Comment