PISTA NG NAZARENO PINAGHAHANDAAN NA

pista

(NI MITZI YU)

PITONG araw bago ang Pista ng Itim na Nazareno ay puspusan na ang preparasyon ng simbahan ng Quiapo para rito.

Ayon kay Father Hernando Coronel, rector ng  Quiapo Church,  inaasahang madaragdagan ang mga millennial o ang kabataan na lalahok sa Traslacion sa Miyerkules, Enero 9.

Bagama’t magandang  may kaalaman ang mga millennial mas maganda ring alam nila ang kanilang obligasyon sa pagdiriwang ng kapistahan nito.

Ito, aniya, ang dahilan kaya’t plano nilang maging mas aktibo sa  social media tulad ng pagdaragdag ng live streaming sa mga major event kaugnay sa Traslacion.

Nanawagan din si Coronel na maging disiplinado ang mga deboto gayundin upang mas maging madali ang pagbabalik ng Poong Nazareno  sa Basilika.

Nakikipag-ugnayan na rin ang simbahan sa Manila Police District at National Capital Region Police Office para sa seguridad sa nabanggit na aktibidad.

Samantala, pinayuhan ng mga organizer ang mga deboto na  iwasan nang magdala ng mga matulis na bagay ang mga lalahok sa Translacion.

231

Related posts

Leave a Comment