PNP: GENERALLY PEACEFUL ANG TRASLACION

traslacion by Romy Aquino

(Ni FRANCIS ATALIA)

UMAASA ang Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde na hanggang sa makarating ang itim na Nazareno sa loob ng Quiapo Church ay magiging mapayapa sa kabuuan ang Traslacion.

Sa pagmo-monitor ng PNP, mangilan-ngilan lamang ang naitalang kaso ng Manila Police District (MPD) tulad ng pagkawala ng cellphone at wallet.

Traslacion by Omar Gorecho
Isa lamang ito sa mga deboto na itinakbo sa mga naka-standby na medical team para lapatan ng paunang lunas.

Tiniyak naman ni Albayalde na may sapat na puwersa ang kapulisan sa paligid ng Quiapo  hanggang sa matapos ang Traslacion.

Kaugnay ng prusisyon, kaninang ala-6:00 ng gabi ay nasa Castillejo st. ang andas na naglalaman ng imahe ng Black Nazarene.

Samantala, nanatilii pa ring nakapatay ang mga signal ng cellphone maging ang mobile internet sa mga area na daraanan ng Traslacion para sa kaligtasan ng mga deboto na kaagad namang ibabalik matapos ang prusisyon.

Inaasahang darating ang imahe sa Quiapo church bago mag-12:00 ng hatinggabi.  (Kuha nila ROMY AQUINO,  OMAR GORECHO at MIKE ROMERO)

 

Traslacion by Mike Romero
Makikita ang mga deboto na nagpupumilit na makahawak man lang sa lubid ng andas dahil sa pananampalatayang isa itong biyaya.
7

Related posts

Leave a Comment