PNP PALDO SA P4-B PERFORMANCE BONUS

INAASAHANG nasa kanya-kanya nang ATM card ng 200,000 miyembro ng Philippine National Police, ang kanilang Performance-Based Bonus matapos aprubahan ang pagre-release ng P4 billion pondo para rito.

Base sa Special Allotment Release Order, ang PBB ay nagkakahalaga ng halos P4 billion na ipinamamahagi na ng pamunuan ng PNP para sa kanilang mga tauhan para sa Fiscal Year 2022.

Matatanggap ito ng mahigit 200,000 PNP personnel na mayroong “exceptional performance” at nakakuha ng total score na 80 points base sa itinakdang PBB Criteria and Conditions.

Sinabi ng PNP, sisimulan ang pamamahagi nito noong Sabado.

Nabatid na ang bonus na matatanggap ng mga pulis ay katumbas ng 52 percent ng kanilang buwanang sweldo simula Disyembre 31, 2022.

Subalit nilinaw ng pamunuan na ilang mga opisyal at miyembro ng rank and file ang hindi makatatanggap ng bonus dahil hindi naging kwalipikado sa PBB para sa fiscal year 2022 bunsod ng kasong kriminal at administratibo na kanilang kinaharap noong 2022.

Bukod dito, nagkaroon din sila ng incomplete submissions ng mga dokumento, mababang performance, extended leave at outstanding cash advances.

Paalala ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil sa mga pulis na gamitin ang bonus bilang encouragement na maging mahusay sa kanilang larangan. (JESSE KABEL RUIZ)

33

Related posts

Leave a Comment