PNP PINAKIKILOS VS MANYAK, KAWATAN SA MRT 3 STATIONS

HINIMOK ni Senador Raffy Tulfo ang Philippine National Police (PNP) na magtalaga ng mga tauhan sa mga istasyon at maging sa mga biyahe ng MRT 3.

Alinsunod ito sa impormasyon mula sa pamunuan ng MRT 3 hinggil sa talamak na pandurukot at panghihipo sa mga pasahero.

Hiniling ni Tulfo sa pulisya na magkaroon sila ng tauhan na sasama mismo sa mga biyahe ng MRT 3 upang agad makaresponde sa mga insidente.

Iginiit pa ng chairman ng Senate committee on public services na kailangan ang mga itatalagang pulis ay may kasanayan sa mabilis na pagkilatis sa mga kriminal.

Inirekomenda pa niya na alamin mismo sa mga dating kriminal ang mga modus at galawan ng mga magsasamantala sa mga pasahero.

Hiniling din ni Tulfo sa pamunuan ng MRT 3 na ibandera sa mga istasyon ang larawan ng mga mahuhuling kriminal. (DANG SAMSON-GARCIA)

44

Related posts

Leave a Comment