POLITICAL RALLIES BAWAL PA – DILG

SA gitna ng pagbabalik-bantang dala ng bagong diskubreng COVID-19 Omicron variant, mahigpit na ipatutupad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año ang pagbabawal sa anumang pagtitipon kaugnay ng halalan.

Partikular na tinukoy ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga political rallies ng mga kandidato, partido at maging ng kanilang mga tagasuporta.

Gayunpaman, nilinaw niyang pinahihintulutan ang mga pagtitipon base sa panuntunang itinakda ng pamahalaan, bagay na kailangang aprubahan muna ng local government units (LGU) kung saan idaraos ang aktibidades.

Higit pa sa pagsang-ayon ng LGU, dapat din aniya ang mahigpit na tagubilin ng gobyerno hinggil sa minimum public health standards.

“Bawal pa po ang mga political rally. Hindi pa po campaign period. We have been seeing candidates, both national and local, staging political rallies here and there which gather hundreds if not thousands of people. Hindi pa po tapos ang pandemya. Parating pa ang Omicron variant,” ani Año.

“We cannot put our guard down. The Omicron variant has already reached many countries and it’s only a matter of time before it reaches us,” giit pa ng kalihim.

Aniya, ang mga caravans at motorcades ang pinapayagan lamang dahil may ‘physical distancing’ at limitado lamang ang oras nito – bukod pa sa isinasagawa naman ito sa mga ‘open areas’ kung saan ay maliit lamang ang posibilidad ng pagkahawa ng virus.

“Nakamonitor ang mga kapulisan sa mga caravan or motorcade at sinisiguro nila na may physical distancing, hindi katulad sa mga political rally na mahirap kontrolin ang mga tao,” dagdag pa ni Año.

“There is a time for everything and now is not the time to gather a huge number of people. Let’s wait for the campaign period. We are fortunate na bumababa ang kaso sa ating bansa but this is not the time to push our luck. COVID-19 is still here and we can’t be complacent,” pagtatapos ng DILG chief. (LILY REYES)

3

Related posts

Leave a Comment