Posible na sa Oktubre 16 SINEHAN SUNOD NA BUBUKSAN

0

KAABANG-ABANG ang muling pagbubukas ng mga sinehan simula Oktubre 16 makaraang aprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang panukalang ibaba sa Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR).

Sa kabilang dako, inaasahan na may ilang kolehiyo ang magbubukas para simulan ang limited face-to-face classes sa panahon ng alert level na paiiralin hanggang Oktubre 31.

Sa ilalim ng Alert Level 3, pinayagan ng pamahalaan ang 30% indoor venue capacity para sa fully vaccinated na tao at 50% outdoor venue capacity para naman sa limited in-person classes sa higher education at technical-vocational education and training, at maging sa mga cinemas at movie houses.

Sa Laging Handa public briefing, noong Lunes, sinabi ni Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) head Charmaine Bauzon na 7,000 manggagawa sa mga movie theaters ang nawalan ng hanapbuhay.

Sinasabing nalugi rin ang naturang industriya ng P21 bilyon simula nang magsara ang mga sinehan noong Marso 2020.

Bago pa ang nasabing anunsyo, umapela na si Bauzon sa gobyerno na payagan ang mga sinehan na mag-operate kahit sa limitadong kapasidad.

Matatandaang, pinayagan nang muling magbukas ang mga sinehan noong Marso 2021 subalit kaagad pinatigil matapos na muling sumirit ang COVID-19 cases.

Samantala, sa kasalukuyan, ang pinapayagan naman na face-to-face tertiary level classes ay ang medicine at allied health sciences, engineering at technology programs, hospitality/hotel at restaurant management, tourism/travel Management, marine Engineering, at marine transportation.

Kaugnay nito, mananatiling nakaalerto ang buong puwersa ng PNP-National Capital Regional Police Office sa pangunguna ni P/Major General Vicente “Vic’ Danao sa buong Metro Manila kahit pa ibinaba na ang COVID-19 Alert level sa kalakhang Maynila.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T Eleazar, inatasan niya kahapon ang lahat ng unit commanders sa Metro Manila na pag-aralan ang mga patakaran sa pagpapatupad ng Alert Level 3 upang maayos itong maipatupad.

“I have instructed all police unit commanders in Metro Manila to immediately cascade to their men on the field the guidelines for the imposition of Alert Level 3 to avoid any confusion in enforcement from October 16 to 31,” wika ni PGen Eleazar.

“Our other units outside the National Capital Region (NCR) would have to make the necessary adjustments depending on the community quarantine classification,” dagdag pa ng heneral. (CHRISTIAN DALE/JESSE KABEL)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment