POSO OFFICER NG CALAMBA INAMBUSH, 3 SUGATAN

0

LAGUNA – Mga nasagasaan sa trabaho ang naiisip ni Calamba City Public Order and Safety Office (POSO) Chief Jeffrey Rodriguez bilang nasa likod ng pananambang sa kanyang sasakyan ng riding in tandem habang pauwi sa kanilang bahay noong Huwebes ng hapon.

Pasado alas-5:00 ng hapon nang pagbabarilin ng riding in tandem na nakatambay sa isang tindahan ang sasakyang Toyota Hilux (conduction sticker P8 H191) ni Rodriguez habang patungo sa Tierra Subdivision sa Brgy. Bucal.

Tinamaan ng bala sa kaliwang balikat ang police bodyguard ni Rodriguez na si P/Cpl. Ronnel Santos Balimbing at nasugatan din ang driver ng sasakyan na hindi na pinangalanan.

Minalas namang tinamaan ng stray bullet ang bystander na si Angie Ganzaga.

Gayunman, hindi tinamaan ng bala si Rodriguez na nakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan.

Agad dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima na nasa mabuti nang kalagayan habang nagsasagawa ng manhunt operation ang Calamba City Police Station sa mga suspek. (CYRILL QUILO)

 


"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment