PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO, WALANG PAGGALAW

price freeze 44

(NI ROSE PULGAR)

BIHIRANG mangyari ito, walang magaganap na paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa ngayong Martes, (Agosto 6).

Mistulang nagkaisa ang lahat ng mga kumpanya ng langis na hindi galawin ang presyo ng petrolyo ngayong linggo makaraang unang matantiya ang maliit na pagbabago sa presyo.

Sa kani-kanilang advisory, nagpasabi ang PTT Philippines Pilipinas Shell, Chevron Philippines (Caltex), Seaoil Philippines, Flying V, at maging ang small-player na Petro Gazz na wala silang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Wala pang abiso ang ibang kumpanya ng langis ngunit inaasahan na susunod rin sila na wala rin paggalaw sa presyo ng petrolyo.

Karaniwang ipinatutupad ng mga kumpanya ng langis ang paggalaw sa presyo ng petrolyo tuwing Martes ng umaga, maging price hike ito o rollback.

Ngunit ngayong Martes, asahan ng mga motorista na mananatili ang presyo ng petrolyo.

Una nang tinantiya ng mga oil experts ang posibleng pagbaba ng P0.15 sentimos kada litro sa gasolina at pagtaas ng P0.10 sentimos sa kada litro ng diesel at kerosene.

Ang “price freeze” ay makaraan na magpatupad noong nakaraang linggo ng rollback sa presyo ng gasolina at bahagyang pagtaas naman sa diesel at kerosene.

 

 

 

206

Related posts

Leave a Comment