SMUGGLED POULTRY PRODUCTS SA NAVOTAS IIMBESTIGAHAN

(NI ALAIN AJERO)

IIMBESTIGAHAN ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) ang iligal na pagpapasok ng higit 12.6 toneladang iladong  poultry products mula umano sa Tsina na nasabat sa isang storage facility sa lungsod ng Navotas.

Sinabi ni Customs Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla na tinitingnan na ng bureau ang serial number ng container van na naglalaman ng nasabing kontrabando upang matukoy kung saan ito pumasok at kung sino ang responsable sa inspeksyon nito.

Ayon pa kay Maronilla, titingnan ng BOC ang kanilang proseso para malaman kung sino ang may-sala.

Dagdag pa niya, joint inspection ang isasagawa ng BOC at DA gaya ng dati nilang ginagawa.

Walang cold storage facility ang BOC upang maiwasan ang pagkasira ng inangkat na karne kaya’t unahang bahagi lamang ng mga container vans ang nasusuri nito at ang bandang dulo ay sinusuri naman ng DA, ani Maronilla.

Noong Miyerkoles ng gabi, kinumpiska ng National Meat Inspection Service (NMIS) ng DA nasabing tone-toneladang frozen poultry products  na iligal na ipapasok matapos inguso sa NMIS na ibabagsak  ito sa Navotas.

 

133

Related posts

Leave a Comment