QUARANTINE VIOLATORS IKULONG – YAP

DAPAT ikulong o parusahan ang sinomang hindi sumunod sa quarantine protocols pagdating sa bansa.

Ito ang panawagan ni ACT-CIS at Benguet Caretaker Cong. Eric Yap sa mga awtoridad matapos mapabalita ang pagtakas sa quarantine ng dalawang biyahero na dumating sa bansa.

“Parang hindi yata siniseryoso nitong mga dumarating na pasahero itong ating quarantine protocols,” ani Yap.

Sinabi ni Yap, “si Poblacion girl nag-party at nakahawa. Yung isa naman tumakas para magpamasahe.”

“Dapat masampolan ang mga ito para hindi pamarisan. Kung kailangan ikulong, so be it para hindi makahawa,” anang mambabatas.

Bukod kay Gwyneth Chua, alyas “Poblacion girl”, isa pang pasahero ang tumakas umano ng hotel para magpamasahe, ayon sa Department of Tourism.

86

Related posts

Leave a Comment