REMULLA SA DOJ AT DILG IKINABAHALA

BAGAMAN hindi isyu para kay bagong Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla kung maging bahagi man sila ng gabinete ng Kapatid na si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla, iba naman ang pananaw ng publiko.

Sa social media, marami ang nagpahayag ng pagkadisgusto, pagkabahala at pagkainis sa malinaw anilang pagpabor ng administrasyong Marcos sa mga Remulla.

May mga nagdududang bayad-utang ang appointment ni Jonvic lalo pa’t humamig ng malaking boto si Pangulong Bongbong Marcos noong 2022 elections sa balwarte ng mga ito sa Cavite.

Sa panayam sa Villamor Airbase, sinabi ng bagong DILG Chief na competence ang pinag-uusapan kaya hindi aniya dapat kwestiyunin ang kanyang pagkakatalaga.

Kumpiyansa si Remulla na may maiaambag siya sa DILG bilang bagong pinuno ng ahensya.

Aniya, malaking bagay rin na may tiwala at kumpiyansa sa kanya si Pangulong Marcos Jr.

Si Remulla ay nagsilbing gobernador ng Cavite noong 2010 Hanggang 2016 at 2019 Hanggang 2024.

Patutsada naman ng ilang netizens, tila may dinastiya na rin maging sa appointment sa gobyerno.

Narito ang iba pang mga komento sa X:

Nuts:
Wala na bang iba? Remulla na naman? When is your pogo closing?

Uno:
Nagbabalak mag Senador. Lalong hindi mapapasok yung POGO island sa Cavite kasi hawak nya ang PNP.

jdcai:
Two important government institution that soon will be run by brothers, and soon after this election government positions will be officed by dynasties more rampant that ever before, 3-4 family members in govt. We are useless people

Ricky:
Cavite was rewarded substantially by BBM Jr, who got 1 million votes last 2022 election. Boying heads DOJ and now Jonvic to DILG replacing Benhur Abalos.

purple:
Buhay na buhay ang cronyism, nepotism, political dynasty.
A nation of 119 M people pinagpapasahan ng iilan as if wala na talagang ibang puedeng ilagay sa pwesto.
Pakapalan ng hiya pero kung maka claim na may mga integrity daw wagas.
Sige nga, raid the POGO hub in Cavite.

ronnie:
Wala ng pag= asa ma shutdown ang Cavite Cove POGO’s. Yong tuwing election na modmod ng pera galing pala yon sa POGO. Walang Bagong Pilipinas walang total shutdown ng POGO’s. Keri lang BBM doesn’t care PH national security risks at stake.

Bangie:
Ang lakas nila sa mga marcos, yung isa DOJ na tapos cya nman DILG

Min:
Magkapatid ang nasa doj at dilg, parang mali naman to.

Jayes:
Political dynasties and Tradpols from President up to appointments. No wonder the middle class are leaving the country. There’s no hope .

Delta:
Dba conflict yan, DOJ si crispin tapos ilalagay sa DILG ang kapatid. Kumplikado yan, ok lang kung sa ibang puwesto. Kampihan na ang mangyayari diyan

65

Related posts

Leave a Comment