REP. ERWIN TULFO, 4 PANG MAMBABATAS PINABIBIGYAN NG 10% DISCOUNT SA GAMOT MGA RANK AND FILE GOVT EMPLOYEE

ISINUSULONG ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo, at apat pa niyang kasamahan sa Kongreso na mabigyan ng 10 percent discount sa gamot ang mga rank and file na kawani ng pamahalaan para makatulong sa kanilang mga gastusin sa pagkakasakit.

Ayon kay Tulfo, ihahain niya ngayong Lunes kasama sina ACT-CIS partylist Reps. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo, Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd district Rep. Ralph Wendel Tulfo, ang bill na “An act granting rank and file government employees a 10% discount on the sale of medicines.”

“Alam natin ang sitwasyon ng mga maliit na manggagawa ng pamahalaan na hirap din na matustusan ang kanilang mga gamot kapag sila ay nagkakasakit dahil sa mahal ng mga bilihin,” ani Tulfo sa pahayag.

“Ang batas na ito ay makakagaan kahit papaano sa kanilang buhay at makababawas sa malaking gastusin tuwing magkakasakit,” dagdag pa ng mambabatas.

Ayon sa panukala ng mga mambabatas, sakop nito ang mga kawani ng pamahalaan na may sweldong P30,000 pababa.

Sa panukalang batas, tanging valid ID ng mga kawani ng pamahalaan ang kailangang ipakita at patunay na sumasahod sila ng P30 000 pababa para makakuha ng 10 percent discount sa mga gamot, kabilang ang branded at generic drugs.

Nakasaad din sa panukalang batas na ang sinomang lalabag o hindi susunod dito ay maaring pagmultahin ng P50,000 hanggang P100,000 o kulong ng anim na buwan hanggang isang taon, depende sa bigat ng kasalanan.

“Government employees, who often shoulder the responsibility of supporting families, are particularly vulnerable to the financial burden of high medication costs,” ayon sa panukalang batas.

“This will enable them to access essential medications, improve their health outcomes, and enhance their overall quality of life,” dagdag pa nito. “The VAT exemption will further lower the cost of medicines, making them more affordable for a broader segment of the population. This measure aligns with the government’s commitment to promoting public health and reducing poverty.

33

Related posts

Leave a Comment