RUSSIAN ATTACK SUBMARINE PUMASOK SA KARAGATAN NG PH

LABIS na ikinabahala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang namataang Russian attack submarine sa West Philippine Sea (WPS) noong nakaraang linggo.

“That’s very concerning. Any intrusion into the West Philippine Sea, of our EEZ, of our baselines is very worrisome. Yes it’s just another one,”ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga mamamahayag.

Sinabi pa ng Pangulo na hahayaan niya ang Philippine military na pag-usapan ang bagay na ito.

Nauna rito, kinumpirma naman ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson para sa WPS Commodore Jay Tarriela ang impormasyong isang Russian attack submarine ang nakita sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Sa kabilang dako, sinabi ni Philippine Navy spokesperson for WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na na-monitor nila ang presensiya ng Russian attack submarine.

Ang vessel aniya ay isang Russian Navy’s Ufa.

Ayon naman sa Philippine Navy, nagpadala na sila ng mga asset upang i-monitor ang galaw ng nasabing Russian submarine.

Inakusahan naman ng militanteng grupo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na mistulang pinapasubo ang Pilipinas sa girian ng superpowers tulad ng Amerika, China at Russia na habang tumatagal ay lumalala.

Ginawa ni dating Bayan Muna party-list rep. Carlos Zarate ang pahayag kaugnay ng namataan umanong attack submarine ng Russia sa bahagi ng Ayungin Shoal.

“The presence of foreign military forces—whether American, Russian, or Chinese—in our waters and territories is a blatant affront to our sovereignty. It is unacceptable for the Philippines to be used as a pawn in the geopolitical contest of imperialist powers,” pahayag ni Zarate.

Isinisi ito ng dating mambabatas kay Marcos dahil imbes na manatiling independent sa foreign military ay mas pinalalakas aniya nito ang alyansa sa Amerika na kilalang kalaban ng China at Russia.

Hindi rin nito nagustuhan ang pagtatayo ng Pilipinas at Amerika ng Naval Base sa PHIVIDEC Industrial Estate sa Misamis Oriental. (CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)

41

Related posts

Leave a Comment