ARESTADO ang dalawang empleyado ng dialysis center dahil sa pagbebenta umano ng mga gamot na hindi inaprubahan ng Food and Drug Administration.
Ayon sa ulat ni National Bureau of Investigation Director Jaime Santiago, nakatanggap ang ahensya ng impormasyon na ginagamit ng dialysis center ang kemikal at ibinibenta ito sa iba pang dialysis centers.
Agad nagpatupad ng operasyon ang NBI-NCR sa bisa ng search warrant at nadiskubre ang 50 kahon ng Diacid, isang hindi inaprubahang gamot na ginagamit sa dialysis para sa mga pasyenteng may sakit sa kidney.
Nabatid mula kay NBI-NCR Regional Director Rommel Vallejo, maaaring magdulot ng mas malalang sakit sa pasyente kung ang gamot ay hindi rehistrado at walang matibay na pruweba na ito ay magiging lunas sa nasabing sakit.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Philippine Pharmacy Act ang mga arestado. (RENE CRISOSTOMO)
61