Sa Negros Occidental MASSIVE VAX DRIVE HANGGANG DEC. 28

TULOY ang “Bayanihan, Bakunahan” massive vaccination rollout laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Negros Oriental matapos manalasa ang bagyong Odette.

Sa katunayan, sinabi ni Assistant Provincial Health Officer, Dr. Liland Estacion, limang araw gagawin ang second round ng inoculation drive, mula Disyembre 21 hanggang 23 at 27 at 28 sa Macias Sports Complex mega vaccination center.

Hiniling naman ni Estacion sa kanyang mga kalalawigan na samantalahin ang libreng bakuna kabilang na ang booster o karagdagang bakuna upang hindi makompromiso ang safety protocols habang isinasagawa ang relief and rehabilitation efforts sa typhoon victims.

“The people are now focused on the post-typhoon response efforts and I am appealing to all to please observe proper health protocols to prevent the spread of COVID-19, especially in evacuation centers,” ayon kay Estacion.

Sinabi pa ni Estacion, ang COVID-19 incident commander ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa nasabing lalawigan, mamamahagi sila ng face masks sa typhoon-devastated areas.

Matatandaang ipinatigil ang vaccination rollout noong Disyembre 16, isang araw bago ang pananalasa ng bagyong “Odette” sa Visayas.

Ang pagbabakuna ay magpapatuloy na sana nitong Lunes subalit kailangan nilang i-assess ang status ng health centers.

Ani Estacion, ang mga naka-iskedyul para sa kanilang second doses ay maaaring mag-avail ng kanilang bakuna sa sports complex kung ang LGU kung saan sila nabibilang ay hindi pa nakapagpapatuloy ng pagbabakuna.

“If affected LGUs have no proper cold storage facilities, the vaccines can be transferred to the facility at the Negros Oriental Provincial Hospital here to avoid wastage,” ayon pa sa opisyal. (CHRISTIAN DALE)

55

Related posts

Leave a Comment