Sa pagsusumikap vs pandemya OPISYAL, FRONTLINERS NG GABMMC PINAPURIHAN

0

PINURI ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga opisyal, gayundin ang health frontliners sa likod nang matagumpay na operasyon ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC), lalo na laban sa pandemya sa COVID-19, sa pangunguna ni Dr. Ted Martin, sa ika-23 taon ng pagkakatatag nito noong Abril 30.

Kasama ng alkalde sina Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan at Secretary to the Mayor Bernie Ang, nang batiin si Martin dahil sa pagbibigay nito ng ‘top of the line’ services na higit pa sa serbisyo ng mga pribadong ospital.

Matatandaan, noong panahon nito sa dating Mother and Child Hospital, na ngayon ay Justice Jose Abad Santos General Hospital, ay kinilala ito ng Department of Health (DOH) bilang nangungunang ospital pagdating sa serbisyo kung kaya ginawaran ito ng kategoryang general hospital.

Sa kasalukuyan, kilala na ito bilang Justice Abad Santos General Hospital.

Ang nasabing ospital ay nasa ikatlong distrito ng lungsod ng Maynila.

Kapwa nangako ang alkalde at si Vice Mayor Lacuna na patuloy na maghahanap ng paraan upang masuportahan nang buong-buo ang mga pangangailangan ng GABMMC at lahat ng city-run hospitals upang makasabay sa panahon sa termino ng mga gamit, gamot at dami ng medical personnel.

Sa bahagi naman ni Secretary Ang, sinabi nito na dahil sa paraan ng pamamalakad ni Dr. Martin sa GABMMC ay epektibo nitong naibalik ang tiwala ng publiko sa pampublikong ospital.

Ang GABMMC sa ilalim ng pamamahala ni Martin bilang director, ay naglilingkod sa mataong lugar at unang distrito ng Maynila na lalong kilala bilang Tondo 1 kung saan din patuloy na mataas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19. (RENE CRISOSTOMO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment