Sa panukalang Bayanihan 3, P36-B BAWAS-AYUDA SA WORKERS

0

INAMIN ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ibinaba ng mababang kapulungan sa P24 bilyon ang ayuda sa mga manggagawa na nakasaad sa mungkahing Ika-3 batas ng Bayanihan.

Ayon kay Bello, ang orihinal na mungkahi ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay P60 bilyon upang matulungan ng kagawaran ang mga manggagawang apektado ang trabaho sa tigil-operasyon ng maraming kumpanya dulot ng patuloy na pananalasa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Gayunpaman, kahit binawasan ng mga kongresista ng P36 bilyon ang P60 bilyong orihinal na kahilingan ng DOLE, lubos na umaasa si Bello na ipapasa ng Kongreso ang panukalang Bayanihan 3.

Anang kalihim, kailangang ipagpatuloy ang pagtulong ng pamahalaan sa mga manggagawa.

Isinusog pa ni Bello na ang nasabing P24 bilyon ay siya nang gagamiting “wage subsidy” ng DOLE sa mga manggagawa.

Bahagi ng National Employment Recovery Strategy (NERS) ng administrasyong Duterte ang wage subsidy na ang pangunahing layunin ay maalalayan ang mga manggagawa simula ngayong 2021 hanggang sa susunod na taon.

Si Bello ang pinuno ng NERS dahil siya ang kalihim ng DOLE. (NELSON S. BADILLA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment