TINIYAK kahapon ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency na hindi nila kukunsintihin ang kanilang mga tauhan na nahuling dumaan sa EDSA Busway noong Martes.
Ayon kay PDEA Public Information Office chief, Director III Laurefel P. Gabales. “The Agency will not condone such action. An Internal investigation is underway, and rest assured that administrative sanctions awaits the violators.”
Nabatid na sinita at tinikitan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ang isang sasakyan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na dumaan sa EDSA Busway noong Martes ng umaga.
Bukod dito, nabatid pang pekeng lisensya ang dala ng driver at wala rin itong dalang rehistro ng sasakyan, ayon sa report ng SAICT. Natiketan din ang ka-convoy nitong motorsiklo na pag-aari rin ng PDEA.
Aminado naman ang driver na dumaan sila sa busway dahil bahagi sila ng isang anti-illegal drug operation subalit hindi ito tinanggap na sapat na dahilan ng Department of Transportation (DOTr) at SAICT.
Ipinasa na ng SAICT ang kaso sa Land Transportation Office (LTO) para mag-issue ng Show Cause Order at hingin ang paliwanag ng driver at mga kasamahan nito ukol sa nasabing paglabag. (JESSE KABEL RUIZ)
55