SCHOOL CLERK TIMBOG SA SHABU

0

NADAKIP ng mga tauhan ng Police Regional Office 2 ng Tuguegarao City ang isang school clerk na suma-sideline sa pagbebenta ng umano’y shabu sa nasabing lungsod noong Hulyo 20, 2021.

Sa ipinadalang email ni PRO2 Regional Public Information Office chief, P/Lt. Col. Andree Abella sa SAKSINGAYON, kinilala ang suspek na si Jaymor Callo, 35, clerk ng Cagayan National High School at residente ng Cataggaman Nuevo ng nasabing siyudad.

Si Callo ay naaktuhan ng mga awtoridad na nagbebenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang P1,000 ang halaga, sa isang miyembro ng operating team na nagpanggap na buyer.

Bukod dito, nakumpiska rin ng mga awtoridad sa suspek ang anim na sachet ng ilegal na droga na tinatayang P8,000 ang halaga, buy-bust money, isang cellphone, isang motorsiklo at ilang drug paraphernalia.

Ang nasabing matagumpay na operasyon ay sa pamamagitan ng pinagsamang pwersa ng Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit ng Cagayan Police Provincial at Tuguegarao City Police Station sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 2.

Ang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng Tuguegarao City Police Station ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JOEL O. AMONGO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment