SEDITION VS QUIBOLOY LAWYER, 12 PA ISINAMPA

NAGSAMPA ng reklamong sedition at inciting to sedition ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Department of Justice (DOJ) laban sa lawyer ni KOJC Pastor Apollo Quiboloy at mahigit 12 iba pa.

Nag-ugat ito sa naging hakbang ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) noong Agosto nang pigilan ang tangkang pag-aresto ng mga pulis sa puganteng pastor.

Kasama rin sa inireklamo ni Brig. General Nicolas Torre ang iba pang lider at kasapi ng KOJC na sina Eleanor Cardones, Carlo Catiil, Jeffrey Celia at ang dating tagapagsalita ng NTF-ELCAC na si Lorraine Badoy-Partosa.

Basehan ng reklamo ang pagsasagawa ng kilos-protesta ng mga KOJC sa lansangan taliwas sa permiso sa lokal na pamahalaan na prayer rally lamang sa loob ng compound ng grupo.

Gayundin ang pagharang ng mga sasakyan at direktang pagpigil kung kaya’t may nasaktang mga pulis. (JULIET PACOT)

13

Related posts

Leave a Comment