PINAIGTING ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas ang kahandaan ng mga pulis para sa seguridad at kaligtasan ng mga mamimili sa Divisoria sa Binondo, Manila hanggang sa araw ng Pasko at Bagong Taon.
Umabot sa 100 pulis, kabilang ang mga miyembro ng National Capital Regional Office, ang todo na sa pagbabantay sa Divisoria habang nalalapit ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Ayon kay PLt. Col. Mupas, patuloy na dinaragsa ang Divisoria lalo na ng mga mamimili na dumayo pa mismo sa nasabing lugar.
Magpapatuloy aniya ang pagbabantay ng pulisya laban sa posibleng hindi kanais-nais na mangyayari sa lugar.
Samantala, ipinayo naman ni MPD Director Police Brigadier General Arnold Thomas Ibay sa mga mamimili na mag-ingat at paigtingin ang kanilang pagmamatyag upang hindi mabiktima ng mga kawatan.
(RENE CRISOSTOMO)
11