SEX ORGY ORGANIZER HULI SA ECSTASY BUY-BUST OPS SA PASIG

TIMBOG ang notorious na ecstasy drug pusher at kilalang organizer ng sex orgy sessions sa isang buy-bust operation na ikinasa ng National Capital Region Police Office, Special Operations Unit (NCRPO-SOU) nitong Miyerkoles ng gabi sa Pasig City.

Kinilala ang suspek na si Jade Christian Regalario alias “Jade” ng No. 6 Tyler Street Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal.

Sa ulat, ikinasa ng NCRPO-SOU, sa pamumuno ni P/Lt. Michael Maraggun, ang buy-bust operation matapos makatanggap ng impormasyon sa kanilang tipster na si Regalario ay nasa area at nagsasagawa ng kanyang kalakal.

Dinamba si Regalario bandang alas-7:40 ng Miyerkoles ng gabi sa parking area ng Quantum building sa Barangay Ugong, Pasig City matapos magbenta ng halagang P1,000 ecstasy tablets.

Isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 25 ‘pink tablets’ ng ecstasy ang nakuha kay Regalario.

Ayon din sa NCRPO-SOU, kanila rin nakalap sa tipster na si Regalario ay tulak din ng cocaine at kilalang organizer ng ‘sex orgy sessions’ sa kanyang mga kliyente na ang karamihan ay mga taga showbizness.

Nahaharap si Regalario sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o’ ang Comprehensive Dangerous Drug Act.

Si Regalario at ang mga nakuhang ebidensiya laban sa kanya ay nasa kustodiya na ng SOU-NCR, at PNP Drug Enforcement Group para sa documentation at proper disposition.

Samantala, ang nakumpiskang mga ecstasy pills ay naiturn-over na sa PNP Forensic Group, sa Camp Crame sa Quezon City para sa forensic laboratory examination. (JOEL AMONGO)

192

Related posts

Leave a Comment