SIDECAR BOY GRINIPUHAN SA KALSADA

AGAD namatay ang isang 37-anyos na sidecar boy makaraang pagsasaksakin sa gitna ng kalsada sa Tondo, Manila nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Reynaldo Macatangay y Abayan, kaanib ng Commando gang, pedicab driver, ng Building 113, Sambahayan Moriones St., Tondo.

Batay sa isinumiteng ulat ni Det. Jansen Rey San Pedro, ng Manila Police District-Homicide Section, nangyari ang insidente bandang alas-3:30 ng madaling araw noong Hulyo 4 sa panulukan ng Carlos P. Garcia St. at Moriones St. sakop ng Barangay 123, Zone 9 sa Tondo, Ayon sa ilang testigo, nakarinig sila ng malakas na sigaw ng isang lalaki at nang sila ay lumabas ay nakita nila ang duguang biktima habang nakahandusay sa kalsada.

Natagpuan ng mga pulis sa bulsa ng biktima ang isang sachet ng umano’y shabu.

Blangko pa ang pulisya hinggil sa pagkakakilanlan ng suspek at sa posibleng motibo sa krimen. (RENE CRISOSTOMO)

172

Related posts

Leave a Comment