SINITA NG PARAK PUMALAG, PATAY

PATAY ang isang lalaki nang barilin ng isang tauhan ng Delpan Police Station 12 ng Manila Police District, makaraang pumalag nang sitahin dahil armado ng baril, sa Permanent Housing sa Barangay 128, Zone 10, Tondo, Manila noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Jonathan Marcial, 33, ng General Trias City, Cavite.

Ayon sa ulat ng Raxabago Police Station 1, bandang alas-6:15 ng gabi nang mangyari ang insidente sa hallway ng nasabing gusali sa naturang lugar.

Ayon kay Police Corporal Jonenick Gueta, 33, sinita nito ang suspek dahil armado ito ng baril.

Ngunit nanlaban umano ang biktima kaya pinaputukan ito ng pulis.

Isinugod ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival. (RENE CRISOSTOMO)

110

Related posts

Leave a Comment