SOCIAL PENSION NG SENIORS, PWDs SA MAYNILA MUNTIK MAAPEKTUHAN

MUNTIK nang maapektuhan ang social amelioration program na nagkakaloob ng monthly allowances para sa senior citizens, solo parents, persons and minors with disability, maging ang allowance para sa university students, dahil sa pagtatangkang harangin sa konseho ng Maynila ang panukalang 2025 budget.

Muntik pang magkaroon ng pisikalan sa pagtatangka ng mga miyembro ng minorya ng Manila City Council (MCC) na harangin ang ipinanukalang 2025 budget ng city government na ipinasa na ng majority bloc.

Pinayuhan naman ni City Administrator Bernardito Ang ang mga konsehal na nabibilang sa minorya na “feel free to question the budget anywhere you please.”

Ikinalungkot ni Ang na sa pagtatangka ng nasabing mga konsehal na harangin ang city budget, ay hinaharang din nila ang pagbibigay ng pangunahing mga serbisyo kabilang na ang social amelioration program na nagkakaloob ng monthly allowances sa senior citizens, solo parents, persons, minors with disability at university students; libreng serbisyong pangkalusugan sa lahat ng mga residente at ang benepisyo ng mga kawani ng pamahalaang lungsod, na ilan lamang sa mga gastusin na sakop ng 2025 budget.

Pinuna rin ni Bernie Ang na kamakailan lang, ang parehong grupo ay nagtangka rin subalit nabigo sa pagharang ng isang resolusyon na kailangan para pagkalooban ng P10,000 financial assistance ang 2,000 pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa dalawang magkahiwalay na insidente ng sunog sa Tondo.

Ayon kay Ang, ang prosesong ginagawa ng Manila City Council sa pagpasa ng nasabing budget ay hundred percent aboveboard at alinsunod sa guidelines na ipinalabas ng Malacañang at ng Department of Budget and Management at ito rin ang parehong proseso na gagamitin para maipasa ang 2025 Philippine budget sa House of Representatives.

Si Ang, na kamakailan lang ay pinarangalan bilang Manila City Councilor na may pinakamahabang serbisyo at bilang kinatawan ng ikatlong distrito, ay nasorpresa sa totoong motibo ng minority councilors sa pagtatanong kung ano ang lehitimo at legal.

Ang MCC sa ilalim ni Vice Mayor Yul Servo at sa kanyang concurrent capacity bilang Presiding Officer, ay nasa session kung saan ang Committee on Appropriations sa pamumuno ni Councilor Numero ‘Uno’ Lim (2nd district), ay nag-move para sa pagpasa ng city budget para sa first, second at third reading.

Ang minority councilors ay nagtangka na harangin ang pagpasa nito sa paggigiit na gamitin ang isang mas mahabang proseso, pero na-overruled sila ng majority.

Dahil hindi tanggap ng minorya na sila ay mabigo ay nagkaroon ng kaguluhan sa session hall. Sa gitna ng pagpapalitan ng mga salita, si Councilor Fog Abante ay itinulak ni Councilor Joey Uy.

Isang video footage ng nasabing insidente ang nagsi-circulate ngayon sa social media at ito ay naganap habang break ang session at nasa restroom naman si Servo. (JESSE KABEL RUIZ)

78

Related posts

Leave a Comment