SOFT-OPENING NG BAGONG KUMPANYA PINUNA

PINUNA ng ilang nakasaksi sa ginanap na pagbubukas ng Prime Z Entrepreneurs Inc. ang presensya ng ilang tauhan ng SWAT (Special Weapons and Tactics).

Ayon sa Oh Jobs.ph ang PRIME Z ENTREPRENEURS CLUB, INC. ay isang direct selling product distribution company for health and wellness, beauty and skin care.

Ikinagulat ng marami na animo’y may military drill nang lumabas ang SWAT kaya hindi rin naiwasang itanong kung legal ang paggamit sa mga pulis o militar na tila endorsers ng produkto.

Isa pang pinuna ang kawalan umano ng Department of Trade and Industry (DTI) permit na kailangan kapag selling or may distribution na kasama ang isang produkto.

Nais ipasiguro ng mga pumupuna kung totoong SEC registration lang ang naiprisinta ng Prime Z.

Ikinababahala naman ang kalidad ng isa sa mga produkto ng kumpanya na umano’y posibleng “high risk food product” kaya nais din itong ipasuri sa Food and Drug Administration (FDA).

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang pahayag o anomang reaksyon si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ukol sa presensya ng SWAT sa soft-opening ng kumpanya.

Nabigo naman ang pahayagang ito na makakuha ng sagot mula sa kinukwestyong kumpanya. (JULIET PACOT)

108

Related posts

Leave a Comment